Ano ang motibo mo upang mag-aral ng ibang wika?

To read the same article in English, click here.

Ang artikulong ito ay para sa aking praktis ng magsulat ng Filipino/Tagalog. Baka maraming kamalian so pasensya na at paalaala ako kung meron. Salamat.

motivation mugKailangan mo bang tasa ng motibo?

O madaling sabi “Bakit ka nag-aaral ng ibang wika?”.

Nagsulat na ako ng ibang artikulong tinatawag “Why learn Language X?” para sa inyong babasahin. Parang update nang artikulong ito.

Nag-aral na ako ng kursong online na tungkol sa pagtuturong ibang wika o lingwahe. Isang topika ay motibo o “motivation”. Pasensya na matagal na hindi ko inuupdate ang blog ko dahil sa nagtuturo pa rin ako ng Ingles sa Pilipinas. Habang ang pagtuturo ko, napansin ko ang motibo ng mga istudiyante ko para mag-aral ng ibang wika lalo sa Ingles.

Sasabihin ko na ang tagumpay ninyo o kasayahan ng pag-aaral ninyo ng ibang wika ay depende sa inyong motibo. Kailangan pa rin ninyo isang motibo para sa anumang pag-aaral lalo sa ibang wika. Kung gusto ninyo ang matuto ng maglaro ng basketball, sumayaw, magluto o matuto ng buong daigdig, kailangan ninyo ang motibo.

Noong ang pag-aaral ko, natutunan ko ang dalawang uring motibo para magtagumpay o kasayahan ng pag-aaral ng wika: intrinsic (mula sa loob) and extrinsic (mula sa labas).

Extrinsic Motivation (mula sa labas)

Pinakasikat ang uri ng motibong ito yata. Ang ibig sabihin ay bilang istudyante, ang motibo mo ay dahil sa mga impluwensiya “sa labas ng sarili mo” tulad ng magulang, media, guro ninyo, atbp.

Ang dahilan mo ay kasi may nagsabi sa inyo o pinaaral kayo pero hindi kasi gusto ninyo. Nag-aaral kayo ng wika para sa parang premyo or benepisyo sa inyong pamamuhay.

Siguro nag-aaral ka na kasi:

  1. Gusto mo lang pumasa ng Kastila sa iskuwelahan at/o pumasa ng grade level mo.
  2. Nag-aaral ka ng Mandarin Chinese kasi taga-Tsina ang boyfriend mo
  3. Nakatira ka sa bansa/rehiyon na nagsasalita ng ibang wika tapos kailangan mo ring magsalita ng wika nila
  4. Gusto mong marunong mag-Ingles para sa trabaho kasi upang magkaroon ng mataas na sahod, dapat marunong ka mag-Ingles at ang trabaho mo ay nasa labas ng bansa mo
  5. Nag-aaral ka ng Pranses kasi (sa akala mo) “sosyal” daw ang wikang Pranses

Ang huling dalawa ay pinaka-karaniwang dahilan (o siguro ng mga istudyante ko lang) para mag-aral ng Ingles.

Ang No. 3 ay napakadali para mag-aral kasi marami kayong matutunan ng wika at kultura ng bansa/rehiyon araw-araw. Ito rin kasi mas marunong ako ng magTagalog kaysa dati pagdating ko sa Pilipinas.

Nagtanong ako sa mga istudyante ko “Bakit ka nag-aaral ng Ingles” or “Anong isip mo ng wikang Ingles”, ang  pinaka-karaniwang mga sagot ay “mahalaga ang wikang Ingles upang magtrabaho o maglakbay” o kasi Ingles ay “wikang pambansa”. Kasi ang itsura ng Ingles sa kasalukuyang sosiyedad sa trabaho, media o politika, kumakumpare ang mga tao ng kahalagahan ng wikang Ingles sa ibang wika o sarili nilang wika. Ito ay para sa ibang artikulo kinabukasan.

Ang kilos na ito ay karaniwan sa Asya lalo sa Pilipinas. Napakasikat at maraming kultura ng Amerika at wikang Ingles sa sari-saring pakikipagtalastasan ng makabagong sosiyedad sa Pilipinas tulad ng edukasyon at entertainment. Sa mga iskuwelahan, may ilang pagtatalo ng mga parusahan para sa mga istudyanteng nagsalita ng sariling wika at hindi Ingles. May ilang iskuwelahang nagbibigay ng mga reward sa mga istudyanteng marunong mag-Ingles, halimbawa English Speaker of the Month. Kung mas marunong ka mag-Ingles, mas mataas ang sahod mo sa trabaho lalo sa call center.

Ang kahalagahan ng Ingles sa Asya daw ay kasi ang pamana ng nakaraang imperyong koloniyal ng Yuropa una-una UK, Pransya, Kastila, Dutch at Portuges. Nakaraan at matagal ng panahon, mayroon silang mga kolonya sa Asya, Aprika at mga Amerika at nagpataw silang kultura at wika nila sa mga katutubong tauhan. Kahit may kalayaan na ang mga dating kolonya, mas mataas ang uri at prestihiyoso pa raw ang wikang koloniyal (kunwari Ingles) kaysa katutubong wika sa Asya (kunwari Tagalog). Kahit ito ang nakasulat ko, mabuti pa kung mag-aaral kayo ng mga wikang Kastila, Portuges, Dutch, Pranses, atbp at lalo sa Ingles. Ngunit, mabuti pa rin kung mag-aaral ka ng mga katutubong wika.

Kahit ang kasaysayan, sosyal or pamimilit, ang anumang dahilan mula sa labas sa inyo o para sa premyo o benepisyo sa pamumuhay ay aspeto ng “extrinsic motivation”.

Intrinsic Motivation (mula sa loob)

Ang intrinsic motivation ay motibo na mula sa “kalooban” ninyo. Ang ibig sabihin, nag-aaral kayo ng wika dahil sa gusto lang ninyo.

Bakit? Siguro kasi:

  1. Gusto mong malaman ng kultura ng wika, tao ng wika at/o mga bansa/rehiyon kung saan natagpuan ang wika
  2. Gusto mong malaman ng mga impluwensya ng ibang wika na lumikha ng wika
  3. Gusto mong mag-kompare sa ibang wikang medyong parehas
  4. Gusto mo lang malaman
  5. O baka gusto mong malaman ng wika ng ninuno mo upang mahusay na kaalaman ng sarili mong pamana o kultura

Ang huling bahagi ng listahan ay dahilan ko para mag-aral ng Tagalog.

Naniwala ko na mas malakas kung “intrinsic” ang motibo mo upang mag-aral ng ibang wika. Nag-aral na akong ilang dayuhang wika (karaniwan o hindi karaniwan) kasi ang “intrinsic motivation”. Dapat “intrinsic” ang motibo ninyo upang mag-aral ng wika tulad ng Quechua, Latvian o Romansh kasi gustuhan ninyo lang. Siguro wala kayong pakialam kung kulang ang taong nagsasalita ng wikang iyon o wala raw ng “pagkakataon sa ekonomika” tulad ng Mandarin o Kastila. Nag-aaral kayo ng wika kasi gusto ninyo.

Kung nag-aaral kayo ng wika kasi dapat at hindi ninyo gusto, madaling magagalit o magugulo at siguro titigil kayo kasi mahirap at ayaw na. Pero kung gusto pa ninyong matuto, maghahanap ka ng oras at mga gagamitin para magpatuloy ng pag-aaral ninyo ng ibang wika.

Kailangan din ninyo matapang at huwag kayong mag-worry kung “nakakatawa” o “mali” raw ang asento o pagsasalita ninyo ng wika (lalo sa Ingles) at natawa ang ibang tao sa inyo. Kapag tumawa sila sa inyo, kayo rin. Huwag kayong ma-seryoso at paturuan sila sa inyo at may matutunan kayo yata. Huwag kayong magpatigil ng ibang tao ng pag-aaral ninyo dahil sa “mali” o “nakakatawa” o “hindi raw kayo marunong magsalita”. Praktis pa kayo lang. Ang mga kamalian ninyo ay laging inyong matutunan ng wika.

Mabuti pa lang kung kailangang pumasa ng klase ng wika pero sayang ang kaalaman, karunongan at praktis kung nakalimutan na ninyo pagtapos ng pag-aaral sa iskwelahan.

Gusto ko ring malaman at basahin ng mga palagay ninyo at isipan ng pag-aaral ng wika sa comments section.

Hindi na sapat kung kailangan lang ninyo ang wika para iskwelahan o trabaho. Upang magtagumpay ng pag-aaral ninyo ng wika at magkaroon kasayahan, ito ang tanong sa inyo:

Nag-aaral ka ba ng wika kasi may premyo o benipisyo o gusto mo lang?

Maligayang pag-aaral! At sa wakas, mayroong iba’t ibang gustuhan o motibo ang iba’t iba mga tao.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s